1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis. Madalas itong naaamoy tuwing registration sa mga pamantasan at kolehiyo, sa elevator o sa FX taxi.
Ex. Put*&%$^#! Sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo?!"
2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs. Madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ring mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang s**o.
Ex. "Honey, maligo ka na para maalis 'yang KUKURIKAPU mo.
3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito. Maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
Ex. "How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti.
4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet. Madalas itong nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
Ex. "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!
5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo at Divisoria. Ito'y may makipot na suotan ng paa at manipis na suwelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.
6. BAKOKANG - higanteng peklat. Ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.
7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.
8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang iyong daliri sa iyong puwit o sa puwit ng iba...try it to prove it. That's DUKIT.
9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.
Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."
10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang palabas?"
11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila 'yong weneklek niya!"
12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Ex. "Uy Arnold, tingnan mo si Ma'am, baktung na naman!"
13. BAKTI - bakat panty.
14. ASOGUE - buhok sa kilikili.
15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
16. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.
17. BUTUYTUY - e**** ng bata.
18. JABARR - pawis ng katawan.
19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.
20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush.
Sana po ay nakatulong ng malaki sa inyo ang aking research. Tulad ng sinabi ko, mahabang panahon ang aking ginugol (mga 10 minutes nga!) sa pagsasaliksik ng mga nasabing impormasyon. Hanggang sa muli. Magandang araw po sa inyong lahat.
Interested of knowing what "baktol", "mulmul" and other new Filipino terms means? Visit triviero and learn more.
No comments:
Post a Comment